Kasaysayan Ng Pilipinas: Pagtanaw at Pag-Unawa Nakaraan
- Edition: 1
- Publisher: C&E Publishing, Inc. (C & E Publishing, Inc.)
- Publish date: 01/01/2014
Description:
Ang librong ito ay isinulat bilang sagot sa pangangailangan ng mas masusing pag-aaral sa Kasaysayan ng Pilipinas.
Alinsunod sa K to 12 Curriculum, hangad ng librong ito na mabuo ang pangkasaysayang pananaw ng mga mag-aaral mula sa kanilang pag-aaral ng Kasaysayan sa nakaraang mga grado. Ito ay sa pamamagitan ng pagpapakilala sa konsepto ng Kasaysayan hindi lamang bilang tala ng mga kaganapan, petsa at tauhan, kundi isang disiplinang nangangailangan ng mga kasanayang makapagpapatalas ng kanilang kakayahan sa pagsisiyasat sa mga ebidensiya, pagsusuri at interpretasyon ng impormasyon, pananaliksik, pagbuo ng sariling ideya at pananaw, at paglalahad sa mga ito sa malikhaing pamamaraan.
Sa pag-aaral ng kasaysayan ng Pilipinas gamit ang mga primaryang sanggunian at iba pang batayang pangkasaysayan, sisikaping makamit ng ating mag-aaral ang sumusunod na mga layunin:
1. maalala ang mga napag-aralan sa Kasaysayan ng Pilipinas at masariwa ang mahahalagang ideya at aral na natutuhan;
2. makabuluhang matalakay ang mahahalagang ideya at aral ng kasaysayan gamit ang mga piling sanggunian at ebidensya;
3. magamit ang mga kasanayang pangkasaysayan upang masuri at matalakay ang kalagayan ng ating bansa noon at ngayon;
4. makabuo ng sariling mga pananaw, opinyon at ideya at mailahad ang mga ito sa iba’t ibang paraan;
5. magkaroon ng kamalayan tungkol sa mga natatanging aspekto ng bawat panahon ng ating kasaysayan at mga pagbabagong naganap noon na nakaimpluwensya sa ating kasalukuyang pamumuhay; at
6. magkaroon ng kamalayan tungkol sa kaugnayan ng kasaysayan sa kasalukuyan at sa puwang ng kasaysayan sa sariling buhay.
Expand description

Please Wait