Sanghaya 3: Wika at Pagbasa (K to 12)
- List Price: $10.66
- Edition: 1
- Publisher: C&E Publishing, Inc. (C & E Publishing, Inc.)
- Publish date: 01/01/2014
Description:
Sanghayà, ito’y nangangahulugang “kariktan,” “ganda,” at “dangal” o “puri.” Dito sa aklat, tumutukoy ito sa kariktan ng himig ng wikang Filipino, gayundin sa pagkakaroon ng sariling wikang sumasagisag sa pagkakaunawaan at pagkakaisa ng bansa.
Gumamit ang may-akda ng mga estratehiyang spiraling approach, collaborative learning, at cooperative learning. Bukod dito, mayroong task based activity bilang karagdagang gawain na hahasa sa kanilang mga bagong natutuhang aralin at kasanayan. Inaasahang sa pamamagitan ng mga aklat na ito magiging kawili-wili para sa mga mag-aaral ang pag-aaral ng asignaturang Filipino.
Ang Sanghaya 3 hanggang 6 ay naglalayong malinang sa mga mag-aaral ang mga kasanayan sa pakikinig, pagsasalita, pagbasa, at pagsulat. Saklaw rin nito ang pagpapalawak ng talasalitaan, pagkilala sa mga salita, pag-unawa at kasanayan sa pagsulat upang mapaganda ang sulat-kamay at mahasa ang kakayahan sa paglikha ng sulatin.
Expand description
Please Wait